Fans ni Angel nag-charity event para sa mga lolo’t lola, Marawi survivors

 

ANGEL LOCSIN

PROUD na proud si Angel Locsin sa kanyang mga fans and followers na nag-organize ng charity event para sa kanyang kaarawan.

Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan niya ang kanyang “angels” sa birthday surprise na ibinigay sa kanya. Sa halip daw na isang bonggang party ang iregalo sa kanya ay mas pinili ng mga ito na mag-host ng charity event para sa mga lolo at lola.

“I’m just bursting with pride for my dear Angels for organizing a charity event with the elderly of Anawim for my birthday. Alam nila na mas magugustuhan ko ito kesa sa mag-party. Salamat. They opt to donate their funds para kina lolo at lola,” ang mensahe ni Angel.

Dagdag pa niya, “Also, sa ibang group naman ng angels, I saw ‘pass an envelope for Marawi’ kay kuya Binoe, natouch ako. Salamat. Salamat angels. Mahal ko kayo. Balik tayo please.”

 

Read more...