Horoscope, May 09, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming salapi ang darating. Ipunin ang mga natatanggap na pera, sa pagtitipid higit kang magiging maligaya. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalo na kulay “red” siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis vivit qui bene vivit.” Red at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Iwaksi ang kayabangan! Sa pagpapakumbaba, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wag kang kuwento ng kuwento ng kung ano-ano sa iyong kasuyo, minsan mas mainam na ikaw naman ang makinig. Mapalad ang 1, 10, 28, 35, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dimidium-Facti-Om.” Orange at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ang pera sa negosyo ay hindi dapat maging salapi para sa charity. Sa pag-ibig, tulong ka ng tulong sa iba, baka naman, napapabayaan mo na ang sarili mong pamilya! Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vincit-Quisoda-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Makibahagi sa mga social gathering. Sa ganyang paraan sisikat ka at magkakapera. Sa pag-ibig, wag post ng post ng kung ano-ano sa FB, hindi mo ba alam ikinatutuwa ng mga traydor mong kaibigan kapag ikaw ay namumroblema at may mga kaaway. Mapalad ang 5, 14, 27, 35, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Mitra-Om.” Silver at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa panaong ito dagdag na panalangin ang dapat upang magpatuloy ang suwerte. Sa pag-ibig anoman ang pagkukulang ng kasuyong Capricorn, patuloy mo siyang unawain at mahalin. Mapalad ang 2, 18, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Inveniam-Faciam-Om”. White at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa negosyo tuloy ang pasok ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, huwag magpadala sa emosyon, lagi mong isipin na ang mas mahalaga ay ang career at materyal na bagay. Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut-Vincer-Aut-Mori-Om.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag kokontra, igalang ang naging desisyon ng kausyo. Sa pinansyal oohan mo lang ng oohan ang kasuyo upang gumanda ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 8, 14, 23, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata-Om.” Green at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Upang magpatuloy ang magandang kapalaran laging magsuot ng kulay na pula sa panahong ito na ang zodiac sign ay Taurus. At upang hindi maubos ang suwerte magpasok ng sariwang halaman sa loob ng bahay. Mapalad ang 4, 12, 23, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Nemo-Me-Um.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sadyang magbibigay ng kalungkutan ang kawalan ng salapi. Sa panahong ito, mas mainam na panghawakan ang value ng salapi at materyal na bagay. Sa ganyang paraan higit kang mas magiging maligaya. Mapalad ang 2, 7, 10, 19, 30, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Om.” Blue at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Patuloy ang magulong relasyon, ngunit matatapos din yan sa darating na May 15. Sa nasabing panahon, tuloy-tuloy ka ng liligaya at susuwertehin. Mapalad ang 1, 18, 28, 38, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Crede-Quod-Habes-Et-Habes.” Green at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa panahong ito ng Taurus kusang gaganda ang kabuhayan, habang sa pag-ibig, lalo namang liligaya at sasaya ang relasyon. Sa panahong ito na unti-unti ng pumapasok ang tag-ulan, aangat ng aangat ang kabuhayan. Mapalad ang 1, 7, 10, 29, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Nil desperandum”. White at gray ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kalimutan ang mga pangit na nagdaan at kalimutan na rin ang mga pangit na nilalang. Magsimula ng bago ngayon. Pagandahin ang kapaligiran upang mahigop ang suwerte at magandaang kapalaran. Sa pag-ibig, umiwas sa mga panget upang gumanda na ang love life. Mapalad ang 1, 8, 13, 25, 34, 40. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Yellow at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Itigil muna ang mga gawaing wala namang kabuluhan tulad ng madalas na pagpe-Facebook. Sa halip, muling magpatuloy ng mga nasimulan proyekto sa ika-13 ng Mayo. Sa ganyang paraan, tuloy-tuloy ka ng magtatagumpay at aasenso. Mapalad ang 5, 14, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Rebus-Durate.” Silver at gold ang buenas.

Read more...