DESIDIDO si Angeline Quinto na maparusahan at matutuan ng leksyon ang mga netizen na walang ginawa sa social media kundi ang manakot at mam-bully.
Kahapon, nag-file na ng police report sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group sa Camp Crame, Quezon City matapos siyang pagbantaan ng isang netizen, pati na ang kanyang inang si Mama Bob.
Ito’y may koneksyon pa rin sa tsismis na pinagtawanan daw nina Angeline at Morissette Amon si Sarah Geronimo nang mag-breakdown sa Las Vegas concert nito last week. Parehong dinenay ng dalawang singer ang akusasyon kasabay ng pagsasabing napakalaki ng respeto nila kay Sarah para gawan nila ng hindi maganda.
Nabatid na isinama ni Angeline sa kanyang blotter ang mga username ng mga netizen na nagbanta sa buhay nilang mag-ina.
Ayon sa netizen na si @miko1617, “Papatumba ko kayo mga g*go. #WagsiSarah g*guhin nyu na mga magulang nyu wag lang sya p*ki nyung panis!”
Sagot naman dito ni Angeline, “WAG NA WAG ANG NANAY KO. WAG NA WAG! MAGKITA TAYO NG PERSONAL MIKO. WAG NA WAG ANG MAGULANG KO. KAHIT KELAN HINDI NAGING P*TA ANG MAGULANG KO.
“WAG NA WAG ANG MAGULANG KO NANGINGINIG AKO SA PAG TYPE NITO PARA SAYO. MAGKITA TAYO PAKIUSAP,” ang pahayag pa ni Angeline sa nasabing hater na kasama sa kanyang ipina-blotter.