Zaijian bida na rin, ipinalit kay Sofia bilang Bagani


HINDI naman totally nawala si Liza Soberano bilang si Ganda sa seryeng Bagani. May mga eksena pa rin naman siya sa ibang mundo, yun nga lang hindi na sila nagkikita ni Lakas (Enrique Gil).

Nagpapatulong na nga si Lakas na hanapin siya ng bagong Bagani para tuluyan nilang magapi si Sarimaw (Ryan Eigenmann) dahil kailangan ay kumpleto silang lima.

Pero tila nakahalata si Lakas nang hindi siya nasagot ng engkantada sa tanong niyang, “Patay na si Ganda?” dahil bigla na lang siyang iniwan nito.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, isa nang ganap na Bagani si Zaijian Jaranilla bilang si Liksi sa tulong na rin ni Lakas.

Base sa teaser ng Bagani nitong Biyernes ay ibinalik ni Lakas si Liksi sa kuweba kung saan siya sinanay noon ng tatay niyang si Agos (Albert Martinez).

Sadyang pinahirapan ni Lakas si Liksi para tuluyan nitong mailabas ang nakatagong lakas kaya naman tuwang-tuwa ang lahat ng maging Bagani na siya lalo na ang kanyang pamilya.

Sa madaling salita, si Liksi ang kapalit ni Mayari (Sofia Andres) na namatay na sa ikalawang linggo pa lang ng Bagani.

Doble kara naman si Lakam (Matteo Guidicelli) dahil hindi siya nagpapahalata kay Sarimaw na kakampi siya ng mga Bagani at ito rin naman ang turo sa kanya ng ama (Robert Sena).

At ngayong may power na si Liksi, kailan naman kaya makakabalik sa kanilang mundo si Ganda para makumpleto na ang mga Bagani para magsanib-pwersa na sila sa pagpatay kay Sarimaw.

Ang kaso, nandiyan pa si Bathala na kunsintidor sa pinaggagawa ng anak na si Sarimaw kaya sila nagkakagulo rin ng asawang si Malaya (Kristine Hermosa).

Patuloy na tutukan ang Bagani gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Read more...