WINNER pa rin ang GMA Network sa nationwide TV ratings sa pagtatapos ng Abril ayon sa latest data mula sa Nielsen TV Audience Measurement.
Nagtala ang GMA ng average total day people audience share na 39.7 percent sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM).
Nanaig ang Kapuso Network sa morning block ng NUTAM kung saan nakakuha ito ng 37.9 percent. Wagi rin ang GMA sa afternoon block matapos na makakuha ng 41.6 percent.
Samantala, patuloy pa rin ang pangunguna ng GMA sa lahat ng time blocks sa Urban Luzon at Mega Manila na bumubuo sa 72 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa. Sa Urban Luzon, nagposte ang Siyete ng average total day people audience share na 44.2 percent.
Kapuso Network din ang nangunguna sa Mega Manila (base sa official data mula April 1 hanggang 21) matapos nitong magtala ng 45.8 percent.
Mas maraming GMA programs din ang nakapasok sa listahan ng top-rating programs ng NUTAM nitong Abril kung saan nanatili pa ring most watched GMA show nationwide ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Sumusunod naman dito ang Kambal, Karibal, Magpakailanman, Pepito Manaloto ni Michael V at 24 Oras.
Agad-agad na nakapasok sa top 30 list ang primetime series na The Cure kasama ang Sherlock Jr., The One That Got Away, Lip Sync Battle Philippines, 24 Oras Weekend, Daig Kayo ng Lola Ko, Eat Bulaga, Contessa, Imbestigador, Wowowin at The Stepdaughters.
Namayagpag din ang GMA sa listahan ng top programs sa Urban Luzon at Mega Manila kung saan nakakuha ito ng 20 spots sa parehong area. Ang data mula sa Nielsen ay base sa mas malaking bilang ng sampled homes nationwide kumpara sa Kantar Media.
Dahil sa mahigit na 900 homes na kabilang sa survey sa Total Urban at Rural Philippines kumpara sa Kantar, ang Nielsen data ay sinasabing “statistically more representative” sa kabuuang TV population sa bansa.