Kotse ng isang solon hinila dahil sa illegal parking sa QC

HINILA ng mga miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kotse na pag-aari ni Albay Rep. Edcel Lagman dahil iligal itong nakaparada sa kahabaan ng Scout Borromeo st.  sa Quezon City.
Sa ulat ng DZMM,  sinabi ng mga otoridad mula sa MMDA na ang anak na lalaki ni Lagman na TJ,  ang gumagamit nang ma-tow ang Hyundai Tucson.
Ayon sa anak ng Lagman, hiniling niya sa driver na samahan siya sa kanyang condominium unit na matatagpuan sa kahabaan ng kalsada.
Inamin naman ni TJ ang pagkakamali sa pagsasabing nakalimutan niyang sabihan ang driver na huwag magparada sa kahabaan ng kalsada.
Binigyan ng tiket si Lagman ng MMDA, kung saan aabot ang multa sa  P2,500.
May plakang “8” ang kotse na para sa mga miyembro ng Kamara.

Read more...