Horoscope, May 07, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Lubos na pinagpala ang araw na ito. Sa isang hindi sinasadyang pagkakataon may mabubuong nakakikilig na relasyon. Sa pinansiyal sa tulong ng mga kaibigan at ng mga mahal sa buhay, dagdag na salapi ang matatangap. Mapalad ang 5, 19, 26, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Panatiliin ang pagiging kampante. Iwasang makipagtalo upang hindi masira ang araw mo. Sa pag-big pagpasensyahan ang kasuyong immature. Kung mananatiling payapa ang isipan, mas maraming biyaya ang matatangap. Mapalad ang 6, 12, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra, “Aum-Namah-Om-Namo.” Indigo at blue ang buenas na kulay.

Taurus – (April 20-May 20)—Suwerte ka sa araw na ito. Malaking halaga ang iaabot ng isang kakilala at may matatanggap pang dagdag na salapi buhat sa malayong lugar. Sa isang pagtitipon, habang abalang-abala ang lahat may magaganap na palihim ngunit nakakikilig na romansa. Mapalad ang 2, 16, 29, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Mahirap magbago ng career! Ang mas mahalaga, makaipon ng maraming-maraming pera, upang magamit sa naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, tuloy pa rin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 5, 18, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra-Om.” Gray at maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag magtiwala sa mga kasama. Isang malapit na kaibigan ang makakasamaan ng loob dahil sa pera. Sa pag-ibig, upang wag mapahamak walang dapat pagkatiwalaan, kundi ang minamahal. Mapalad ang 5, 13, 24, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Tama ang naisip mong mag-iba ng kapaligiran. Mag-iba ka na rin ng pirma, lakihan ang letra ng iyong signature. Sa malawakang pagbabago, higit kang uunlad at magsisimula ng habang buhay na lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Mag-ingat sa isang taong matigas ang buhok, pandak na mataba lalo na kung siya ay isang Leo – siya ang maaaring dumaya at luminlang sa iyo. Sa pag-ibig, panatiliin ang pagtitiwala sa kasuyong slim lang ang pangangatawan. Mapalad ang 5, 14, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus-Om.” Silver at gold ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Lalo kang gaganda sa panahong ito at ang kagandahan mong iyan, ang hihigop ng maraming suwerte at magandang kapalaran. Panatiliin ang pagpapa-sexy at malinis sa katawan. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ang isang dating may utang. Mapalad ang 1, 10, 28, 31, 40 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam-Om.” Red at pink at buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Tanggapin ang alok ng isang kaibigan sa malayong lugar, panahon na upang maglakbay. Sa pag-ibig, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tinitibok ng puso. Aangat ang graph ng pag-unlad kung lalayo muna sa sinilangang bayan. Mapalad ang 2, 7, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Krishna-Om” Pink at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag ng magpabago-bago ng karelas-yon, isipin mong nagkaka-edad ka na. Manatili sa kasalukuyang kasuyo walang perpektong nilalang kaya wala ring perpektong relasyon. Sa pinansiyal, sa produktong niluluto at ginagamitan ng apoy uunlad. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Japa-Om.” Pink at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Tama ang desisyon mong dispatsahin na ang mga taong walang kuwenta, nakakagulo lang sila sa buhay mo. Kapag nawala na ang mga taong walang kuwenta, kusa ng gaganda ang pasok ng pera. Mapalad ang 4, 8, 26, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yama-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Pasalamatan ang mga biyayang dumarating! Habang nagpapasalamat at tumutulong sa mga mga ngangailangan, lalo kang pagpapalain ng langit at bibigyan ng mas marami pang mga biyaya. Sa pag-ibig, sa isang charitable work, makakasumpong ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Brown at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Isang dating kaibigan ang magte-text. Sa susunod na mga araw magkakapera ka ng malaking halaga. Tanggap lang ng tanggap ng mga biyayang dumarating. Sa pag-ibig ito ang araw na laan sa iyo upang gawin ang pinaka-masarap. Mapalad ang 4, 18, 33, 41, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om”. Black and white ang buenas.

Read more...