Andrade wagi sa Borneo International Marathon | Bandera

Andrade wagi sa Borneo International Marathon

Angelito Oredo - May 06, 2018 - 09:10 PM


PINATUNAYAN muli ni MILO Marathon King Joerge Andrade ang kanyang tibay at tatag matapos tanghaling kampeon sa kanyang unang pagsali sa internasyonal na 42-kilometrong karera na Borneo International Marathon (BIM) Linggo sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia.

Ang panalo ni Andrade ay naglagay dito bilang ikalawang Pilipino na nakapagwagi sa pangunahing marathon sa Borneo matapos magwagi si Noel Tillor, na isa rin MILO Marathon regular mula Cebu, na inuwi ang titulo ng 42K race open division noong 2016.

Ang pagsali ni Andrade sa BIM ay premyo nito sa pagwawagi sa 41st National MILO Marathon National Finals noong 2017 at parte sa pangangalaga ng MILO na alagaan ang mga atleta sa kanilang ambisyon na makasabay at magwagi sa loob at labas ng bansa.

Nagtala si Andrade ng kabuuang oras na 2:54:14 upang pangunahan ang ibang lokal at internasyonal na marathoner sa men’s open division mula sa Kenya, Taiwan, Brunei at Malaysia.

Nagawang makalayo ni Andrade sa pagtala ng mahigit na dalawang kilometrong abante sa kabuuan ng karera bago na lamang ang huling kilometro patungo sa finish line matapos na lumapit sa huling 400 metro ang pinakamatindi nitong kalaban na si Noah Kutung Chepsergon ng Kenya na pumangalawa sa oras na 02:55:26.

Naging hamon din kay Andrade ang akyatin sa ika-28th at 38th kilometer bagaman nagawa nitong malampasan tungo na sa pagwawagi sa karera.

“Nahirapan ako doon sa mismong akyatin at medyo may ubo at sipon pa ako. Hindi ko na lang inisip ang mga iyon at itinulak ko ang sarili ko na makatapos dito sa karera,” sabi ni Andrade.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending