Julie Anne magpapasabog ng good vibes tuwing umaga


NGAYONG umaga, maniwala sa kapangyarihan ng musika at ng pag-ibig sa pinakabagong Kapuso musical rom-com series na My Guitar Princess starring Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose.

Ang My Guitar Princess ay kuwento ni Celina Raymundo (Julie Anne), isang 18-taong gulang na dalagang mahilig kumanta at tumugtog ng gitara. May itinatago mang talent sa musika, kulang pa rin sa kumpiyansa sa sarili si Celina lalo na’t tutol ang kanyang ina na si Adele Raymundo (Sheryl Cruz) sa kanyang pag-awit.

Ngunit mukhang malakas talaga ang tawag ng kapalaran kay Celina. Ang talento ba niya ang maglalapit sa kanya sa ibang tao o magdudulot ba ito ng hindi pagkakaunawaan sa pa-gitan nila ng kanyang ina?
Mapapa-gitnaan din ang dalaga ng dalawang lala-king iibig sa kanya–sina Elton Smith at Justin Garcia.

Mabait, matalino at may talento rin sa pagkanta, si Elton ay 20-taong gulang na singer na nakatira sa ibang bansa at mas kilala bilang “Prince Charming of Pop”. Gagampanan ito ng Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva na nagbabalik-telebis-yon matapos ang kanyang matagumpay na TV series na My Love From The Star opposite Jennylyn Mercado.

Si Justin naman ang matalik na kaibigan ni Celina na kalaunan ay iibig sa kanya. Gagampanan ni Kapuso heartthrob Kiko Estrada ang karakter ni Justin. Huling napanood si Kiko sa primetime series na Mulawin vs. Revena.

Tampok din sa My Guitar Princess sina Isabelle de Leon at Jazz Ocampo bilang sina Taylor at Katy Garcia—ang mga kapatid ni Justin na magpapahirap kay Celina. Si Marika Sasaki naman ang gaganap bilang si Britney, ang BFF ni Celina.

Kasama rin sa MGP si Marc Abaya bilang manager ni Elton; ang One Up member na si Ralf King bilang bestfriend ni Justin na si Adam; Kier Legaspi bilang Elvis Soriano; Frank Garcia bilang George Garcia; Maey Bautista bilang Yaya Dolly; Rob Sy bilang Michael; at ang batikang aktres na si Lui Manansala bilang Manang Barbara.

Ang My Guitar Princess ang kauna-unahang TV series sa Kapuso Network ng direktor na si Nick Olanka, na kilala sa indie films na “Ronda” at “Ang Huling Araw ng Linggo.”

Hayaang sumabay ang puso sa awit ng tadhana ni Celina sa My Guitar Princess, mula Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7.

Read more...