Target na kita ng 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino: P210M

ICE SEGUERRA AT LIZA DIÑO

PAIIGTINGIN pa ng Film Development Council of The Philippines (FDCP) ang marketing stratregy para sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Kamakailan, ginanap ang mediacon para sa opisyal na pagbubukas ng taunang Pista ng Pelikulang Pilipino na pinamumunuan ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra.

Muling pipili ng walong official entries ang Selection Committee ng FDCP na maglalaban-laban simula sa August 15 at tatagal hanggang 21. Ihahayag ang Final 8 sa July 15.

“May mga nagsa-submit pa lang ngayon. June 15 is our deadline, but we’re very excited kasi this year yung pinakabagong change natin [is] all the films are for Philippine premiere, meaning it’s fresh for Pista ng Pelikulang Pilipino,” pahayag ni Liza.

Dagdag pa nito, ginagawa nila ang lahat para magkaroon ng epektibong marketing strategy sa pagbebenta ng mga pelikulang mapipili ngayong taon.

“Kailangan talaga ang mga pelikula natin alam natin kung sino ang audience natin. We cater to that audience. Marami tayong mga pelikula noon na sila mismo nagsasabi na mali ang kanilang marketing strategy kasi hindi nila na-tap ang audience na dapat nilang i-tap,” pahayag pa ni Liza.

Dagdag pa ng FDCP Chair, this year ay mas malaki raw ang itinakda nilang target gross ng Pista Ng Pelikulang Pilipino, “I think last year 170 million ang kinita natin. Siguro this year pwede natin i-raise ng 200 to 210 million.”

Samantala, present din asawa ni Liza na si Ice Seguerra sa PPP media launch bilang Sine Kabataan ambassador. Siya ang magiging punong-abala sa 2nd Sine Kabataan Short Film Competition sa pakikipagtulungan ng UNICEF. Ito’y bukas sa mga young filmmakers edad 18-30.

Read more...