MALAPIT nang ma-experience ng fans ng hit fantaserye na Bagani ang buhay sa Sansinukobonline sa nalalapit na paglulunsad ng Bagani World microsite.
Dito mararanasan ng netizens kung paano maging isang Bagani at itayo ang bandera ng rehiyong itatalaga sa kanila.
Ito ang ibinalita ni Ays de Guzman, creative manager sa ABS-CBN, sa kaniyang pagharap sa mahigit 1,200 na estudyante at mga guro sa ginanap na “Pinoy Media Congress Year 12” sa College of the Holy Spirit na inorganisa ng ABS-CBN at Philippine Association of Communication Educators (PACE).
Pinasilip ni De Guzman ang online na mundo ng Bagani, kung saan makikipagsapalaran ang users sa isang digital na bersyon ng Sansinukob.
Naisip nila ito para maghanap ng ibang paraan ng pagsasalaysay at para maisama ang mga manonood sa pagbuo ng mundo at kuwento ng Sansinukob.
Nauna nang gumawa ng online platform ang ABS-CBN nang inilunsad ang Otwolista.com para sa On The Wings of Love, at ang Moonchasers.com at “Youtopia” sa iWant TV para sa La Luna Sangre.
Ibinahagi rin ng ibang mga speaker kung paano ine-extend ng Kapamilya Network ang experience sa online world alinsunod sa kanilang planong maging isang agile digital company.
Ayon kay Ben Ravina, head ng digital strategy sa Digital Media Division ng ABS-CBN, umaabot sa digital space ang pagtangkilik ng mga manonood online sa panonood din nila ng mga programa sa video-on-demand platform ng ABS-CBN na iWant TV.
Ngunit nilinaw niya na ang paglipat sa digital ay hindi nangangahulugang napag-iiwanan ang broadcast media, bagkus pinapalawig pa ito.
Pinag-uukulan din ng pansin ng ABS-CBN ang paggawa ng orihinal na online content sa pagbuo nito ng Adober Studios.
Para kay Dennis Lim, head ng digital media services ng Digital Media Division ng ABS-CBN, ang mga kailangan para maging isang online star ay platform support, content, community, at collaboration.
Mayroon nito ang Adober Studios sa pamamagitan ng kanilang network ng mga manlilikha at content platforms.
q q q
Nagbahagi naman ibang speakers sa ikalawang araw ng PMC ng mga sikreto sa likod ng mga patok na palabas at pelikula ng ABS-CBN.
Nagkuwento sina Vanessa Valdez, manunulat ng Star Cinema movies gaya ng “Four Sisters and a Wedding,” at “One More Chance,” at ni Rondel Lindayag, creative head sa ABS-CBN TV Production, na namamahala sa mga programa gaya ng Asintado at FPJ’s Ang Probinsyano, tungkol sa buhay sa production at kung anu-ano ang mga nangyayari sa paggawa ng mga teleserye at pelikula.
Nagsalita naman tungkol sa film restoration si Leo Katigbak, head ng ABS-CBN Film Archives. Nagbigay rin ng talk si Pia Bacungan-Laurel, sales head sa Asya ng ABS-CBN international Sales, tungkol sa pagdala ng mga Kapamilya shows sa ibang bansa.
Tinapos ang ikalawang araw ng PMC sa espesyal na bersyon ng I Can See Your Voice kasama ang host nitong si Luis Manzano na nilahukan ng ilang mag-aaral ng College of the Holy Spirit Manila, at performances mula kina Jona at Darren Espanto.
Labingdalawang taon na ang PMC na naglalayong gabayan ang mga susunod na henerasyon ng mass communicators sa kanilang papasuking larangan sa pamamagitan ng paglalapit sa kanila sa mga batikang personalidad sa media.
Para sa iba pang impormasyon sa PMC, bisitahin ang abscbnpr.com o sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.