Naaresto si Santos, Katrina Santos sa totoong buhay, ng mga operatiba mula La Loma Police Station sa kahabaan ng Tagaytay st., malapit sa kanto ng A. Boni Avenue sa Barangay San Jose.
Nahuli mula kay Santos ang isang sachet ng shabu.
Kinasuhan si Santos ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kasabay nito, naaresto rin ang pitong iba pa, kasama ang tatlong menor-de-edad, matapos ang isinagawang hiwalay na entrapment operation, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).
Ibinigay na ang tatlo menor-de-edad sa Quezon City Social Services Development Department.
MOST READ
LATEST STORIES