Magaling na singer ayaw tantanan ng kamalasan

NARARAMDAMAN na ng buong bayan ang paglamlam ng career ng isang magaling pa namang performer.

Hinangaan siya ng buong mundo nu’ng halos bahagya pa lang siyang umaangat sa lupa pero kinakaya na niyang makipagsabayan sa pagkanta sa mga sikat na pangalan sa mundo ng musika.

Parang nasa alapaap sa kaligayahan nu’n ang magaling na performer, siya nga lang naman ang Pinoy na nabigyan ng pagkakataong makaduweto sa entablado ang mga singers na sikat sa buong mundo, kaya kabog niya ang mga kapwa niya Pilipinong sikat na sikat din sa pagkanta.

Pero nagkaroon ng kontrobersiya sa kanyang buhay, ipinagpilitan niya ang gusto niyang mangyari, kaya binitiwan na siya ng mga banyagang managers na humahawak sa kanyang singing career.

Kuwento ng aming source, “Ngayong iba na ang packaging niya, ngayong ibang-iba na siya sa dati, marami nang nangyaring hindi niya inaasahan. Hirap na siyang makabalik uli sa dati niyang lugar.

“Hindi na siya nagpe-perform abroad, wala nang kumukuha sa kanya, kahit ‘yung mga dating nagmamahal sa kanya, e, iba na ang inaalagaan ngayon at naetsapuwera na siya.

“Ang nakakalungkot pa, gustung-gusto na niyang mag-concert, malakihang show ang gusto niya, pero hindi ‘yun natutuloy dahil sa napakahinang ticket sales.

“Malalaking venue ang gusto niya, pero ang capacity naman ng ticket sales, pangmaliliit na venue lang. Hindi na niya kayang pumuno ng malalaking lugar, hanggang sa pangmaliitan na lang siya ngayon.

“Panay-panay ang press release ng grupong humahawak sa kanya ngayon na malapit na siyang mapanood sa isang malaking venue, pero palaging nauudlot ‘yun, talagang hindi na niya kayang mag-perform sa gusto niyang venue.

“Sobrang hina ng benta ng tickets, kapos na rin siya sa puhunan, kailangan niyang gumastos dahil hindi naman bongga ang datung ng mga nakukuha niyang producers.

“Walang sumisisi sa ginawa niya, ‘yun ang kaligayahan niya, kaya go lang! Pero ‘yun din ang naging dahilan kung bakit siya nagkaganyan. Hindi gusto ng mga dating sumusuporta sa kanya ang napakalaking pagbabagong nangyari sa buhay niya, sa totoo lang.

“Pangmaliitang venue na lang siya ngayon, baka nga kumalog pa ‘yun kung minamalas-malas siya, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan pa ba n’yo ng clue? Bigay na bigay na kung sino siya!

Read more...