Pangarap ni Ken Chan natupad sa ‘The Cure’

KEN CHAN

KILALA si Ken Chan bilang isa sa mga pambatong youngstar ng Kapuso Network dahil sa kanyang pagiging isang versatile actor.

Ngayon naman sa pinakabagong primetime series ng GMA na The Cure, isa siya sa mga nagpapakitang-gilas bilang si Dr. Josh Lazaro.

Malalim ang paghuhugutan ng karakter niya bilang isang doktor dahil kahit mas madali ang buhay sa siyudad ay mas pipiliin niyang tumulong sa mga liblib na lugar.

Dream come true naman ang role niyang ito dahil matagal niyang pinangarap na gumawa ng mga action scenes. Isa lang ito sa mahabang listahan na gusto niyang gampanan at kaabang-abang ang mga eksena niya dahil siya mismo ang gumagawa ng mga stunts!

Ayon pa kay Ken, nagsisimula pa lang ang kanilang primettime serye at napakarami pang kailangang abangan ng mga manonood, lalo na kapag kumalat na ang virus at magsimula na ang pakikipaglaban ng bawat karakter para sa kanilang kaligtasan at ng kanilang mga mahal sa buhay.

Patuloy na tutukan ang suspense-drama-action na The Cure at abangan ang malulupit na eksena ni Ken Chan, pati na rin ng mga bidang sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, sa GMA Telebabad lang.
Kasama rin sa The Cure sina Jaclyn Jose, Jay Manalo, LJ Reyes, Mark Herras, Irma Adlawan, Diva Montelaba, Arra San Agustin at marami pang iba, sa direksyon ni Mark Reyes.

Read more...