Liza Diño na-shock sa balitang hiwalay na sila ni Ice Seguerra

ICE SEGUERRA AT LIZA DIÑO

NABIGLA si Liza Diño sa balitang naghiwalay na sila ni Ice Seguerra.

Nagsimula ang balitang break na raw sila sa hindi nila pagsipot sa kanilang radio guesting kamakailan.

Umalis ng bansa si Ice at naiwan si Liza sa Pilipinas.

“Hindi, alam ko ‘yan,” natatawang panimula ni Liza when asked during our interview pagkatapos ng Q&A sa media launch ng ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Meron daw silang ginawang stage play ni Ice tungkol sa kung paano maghiwalay ang isang couple, “So, actually, ito ‘yung play na ginawa niya nu’ng nag-propose siya sa akin.

“Sinabmit ‘yon for consideration in a festival before para gawing movie. So, ginawa namin ni Ice ‘yung eksena. E, nasa YouTube. Ang nakalagay na title, ‘Kung Paano Maghiwalay.’ So, baka akala nila naghiwalay kami. Akala nila totoong buhay ‘yung ginawa namin sa YouTube,” esplika ni Liza.

May mga natanggap din daw siyang text asking her kung hiwalay na ba sila ni Ice, “Well, it was very realistic. Ang story kasi, aalis na si Ice tapos, ‘yung eksena namin like maghihiwalay talaga kami,” say pa niya.

But true na umalis ng bansa si Ice that time papuntang Singapore kung saan nag-concert ang dating chairperson ng National Youth Commission, “Pero hindi kami naghiwalay. My God! We’re very much okey,” diin ni Liza.

Nag-follow-up naman kami kay Liza sa plano nila na magkaroon ng sariling anak at kung may nakita na ba sila na foreigner na pagkukunan ng sperm cell na ima-match sa egg cell ni Ice.

“Ah, well, isang buwan pa lang naman si Ice na wala sa NYC. Napapag-usapan pa lang namin on how are we going fit it in our schedule. But we plan to do in vitro fertilization process, I think, in Taiwan. Before kasi we plan to do it in the US. Now, may mga nagsabi sa amin na we can do it in Taiwan,” aniya.

Si Liza ang magdadalang-tao sa baby nila ni Ice at kahit buntis ay tiniyak niya na magtatrabaho pa rin siya bilang FDCP (Film Development Council of the Philippines) chairperson.

As of this writing, wala pa raw silang nakikita na magiging anonymous sperm donor. Pero hindi naman masabi ni Liza kung magaganap ang pagdadalang-tao niya this year.

Samantala, magaganap ang pagpapalabaas ng mga pelikulang kasali sa ikalawang Pista ng Pelikulang Pilipino on Aug. 15 to 22 in all theaters nationwide.

Walong pelikula ang pipiliin as official entries ng Selection Committee designated by Liza na siya ring magsisilbing Chair ng committee.

Submission of entries will be on April 20 to May 6. Kapag ‘di nakaabot on that date, ang entry fee ay madaragdagan from P5,000 to P7,000 if submitted on May 7 to 21. Then, magiging P10,000 if submitted on May 22 to June 15. At sa July 5, magaganap ang grand launch ng mga napiling official finalists.

Magkakaroon din ng walong screening para special feature films.

“FDCP believes that beyond the One Hundred Years of Philippine Cinema, panahon na para ipakita natin sa buong mundo the best of our films by pushing for international distribution. We want to inspire our filmmakers to reach audiences beyond our boards by producing films that are quality-made, well-developed and produced with a wide local and global audience in mind,” ani Liza.

Read more...