Luzon niyanig ng magnitude 6 lindol

NIYANIG ng magnitude 6.0 lindol ang Luzon ngayong hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology naramdaman ang lindol alas-2:19 ng hapon.

Ang sentro ng lindol ‪ay 46‬ kilometro sa kanluran ng Pandan, Catanduanes.

Nagbabala ang Phivolcs ng aftershock sa pagyanig na ito.

Nagresulta ito sa Intensity IV sa Irosin, Sorsogon; Legaspi City at Ligao sa Albay.

Intensity III sa Obando, Bulacan at Intensity II sa Quezon City at Masbate City.

Nagtala naman ang mga instrumento ng Phivolcs ng Intensity IV sa Legaspi City, Iriga City; Jose Panganiban sa Camatines Norte at Alabat sa Quezon.

Intensity III naman ang naitala sa Guinayangan, Lopez at Infanta, Quezon; Sorsogon City; at Marikina City.

Intensity II naman sa Lucban, Quezon; Quezon City; Masbate, Masbate; Mauban, Quezon, Catbalogan, Samar; Cabanatuan City; Palo, Leyte at Intensity I sa Tagaytay City, Lucena at Dolores, Quezon; Malabon City; San Ildefonso, Bulacan; at Guagua, Pampanga.

Read more...