Kyline Alcantara sinuwerte sa GMA, nagbalikan ang magulang


ANG bilis pumalo ng showbiz career ni Kyline Alcantara mula nang lumipat siya sa GMA Network at binigyan ng markadong role sa top-rating series na Kambal, Karibal.

Bukod sa loveteam nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali na sinusubaybayan ng manonood, ang labanang Biaca at Kyline din ang inaabangan ng manonood sa KK.

Mahirap din ang sinimulan ng tinaguriang La Nueva Kontrabida ngayon sa primetime. Dumaan din siya sa pagsubok lalo na nu’ng maghiwalay ang kanyang mga magulang. Mula sa Bicol, lumuwas siya ng Maynila sakay ng isang track kasama ang ina.

Rejected lagi ang beauty niya sa mga audition sa TV at commercial pero hindi siya sumuko. Pumasok siya bilang extra at natuklasan ang galing niya sa pag-arte pati na sa pagkanta.

After 10 years ay nagkabalikan ang parents niya at muling nabuo ang pamilya na sinabayan ng pagganda ng career. Mapapanood ngayong gabi sa Magpakailanman ang life story ni Kyline.

Read more...