Jak Roberto ayaw magpalamon kay Glaiza


HINDI nagpadaig at pinatunayan ng Kapuso heartthrob na si Jak Roberto na kaya nitong makipagsabayan kay Glaiza de Castro pagdating sa acting sa kanilang high-rating Afternoon Prime soap na Contessa.

Sa nakaraang eksena kasi nito kung saan inamin na ni Bea (Glaiza) na siya at si Contessa ay iisa sa kaibigang si Jong (Jak), hindi mapigilan ang pagbuhos ng emosyon sa pagitan ng dalawa. Dahil dito, samu’t saring papuri ang nakuha ng binata para sa nasabing eksenang ito.

Para sa fans, hindi sila binigo ng idolo dahil sa sobrang paglevel up ng acting skills nito. Nangako naman ang marami na patuloy nilang tututukan ito lalo pa’t mas intense na ang mga tagpo nina Daniella (Lauren Young) at Bea.

Ngayong alam na ni Jong ang katotohanan, ano na kaya ang gagawin niya para sa kaibigan? Tutok lang tuwing hapon sa Contessa sa Afternoon Prime ng GMA after Eat Bulaga.

Read more...