HABANG buhay daw ite-treasure ni Kim Chiu ang personal nilang pagkikita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Cebu.
Si Kim ang nag-host ng Labot Day event sa Cebu nitong nakaraang Martes kung saan naging panauhing pandangal na nga si Pangulong Digong. Naging co-host naman niya ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.
In fairness, maraming netizens ang nagsabi na na-starstruck daw si Pangulong Duterte kay Chinita Princess.
Habang nagbibigay ng kanyang talumpati tungkol sa Executive Order 51 na nagpapatigil ng contractual employment o “Endo” (end of contract), biglang tumigil ang pangulo at tinanong kung si Kim Chiu nga ba ang host ng event.
Sey ng pangulo sa salitang Bisaya, “Pero siya man na, si Kim Chiu? Ikaw ‘yan, Ma’am? Di, niingon ko ‘guwapa ka.’ Asa nga ko? (sa kanyang speech).” (Siya ba ‘yan, si Kim Chiu? Ikaw ‘yan, Ma’am? So, sabi ko ‘ang ganda mo.’ Asan na nga ako?)
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Kim ang litrato nila ni Pangulong Duterte na may caption na: “What a great experience!!!!? Just finished hosting an event for labor day here in my home town CEBU and in the presence of the President of the Philippines, Pres. Rodrigo Duterte!!!
“Ang galing!! Never thought of this moment!!! Kulba jud pero lingaw kaayo ug feeling! (Kinabahan talaga ako ngunit masaya ang aking pakiramdam.)
“Thanks @akosimangtomas for being a great co-host bisaya/waray represent!
“May 1, 2018 this experience will definitely one for the books!!! Daghang salamat!!!!”