AS reported by an online portal, itatanghal na Box-Office King & Queen sina Enrique Gil at Liza Soberano sa gaganaping Guillermo Memorial Box-Office Awards.
Pararangalan ang LizQuen for their movie “My Ex & Whys” na tumabo sa takilya last year.
Ang AlEmpoy (Alessandra de Rossi and Empoy Marquez) whose movie “Kita Kita” also made a killing at the box-office ay bibigyan naman ng Breakthrough Love Team Award.
Talagang pinagpapala ang LizQuen loveteam. Palaging nasa top spot ang Bagani at ngayon naman ay meron na silang box-office award.
Samantala, sa Bagani ay nagsagupa na ang grupo ni Lakas (Enrique) at Sarimaw (Ryan Eigenmann).
Natalo ang grupo ni Sarimaw na gigil na gigil dahil naisahan siya ni Lakas.
When asked by Lakam (Matteo Guidicelli) kung bakit siya natalo, sinabi ni Sarimaw na akala niya ang kumpleto ang Bagani kaya ‘di siya nakapalag.