Duterte admin ‘malupit’ sa media

ISINIWALAT ng iba’t ibang grupo ng media na nakapagtala na ng 85 kaso ng “pag-atake” laban sa mga mamamahayag halos dalawang taon simula nang umupo si Pangulong Duterte sa puwesto, mas mataas kumpara sa apat na presidenteng bago ang kanyang termino.

Sa ulat na inilabas sa paggunita ng World Press Freedom Day, sinabi ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Philippine Press Institute (PPI), at Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na ang mga pag-atake ay “have made the practice of journalism an even more dangerous endeavor under President Duterte.”

Base sa ulat, sa kabuuang 85 kaso na naitala mula Hunyo 30, 2016, hanggang Mayo 1, 2018, nakapagtala ng siyam na kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag, paghahain ng 16 kaso ng libel, 14 na kaso ng online harassment, 11 death threats, at anim na kaso ng tangkang pagpatay, limang kaso ng intimidation, apat na insidente ng website attack, revocation ng registration o denial ng franchise renewal, verbal abuse, strafing, at police surveillance.

“Its tragic result: it has restricted and narrowed the celebrated freedom of the Philippine press and the people’s cherished right to know,” sabi ng report.

“Duterte has unleashed much more violence against the autonomy of the press than has been seen since the overthrow of the Marcos regime in 1986,” ayon sa ulat.

Read more...