IKINAGULATI ni Ice Seguerra ang pag-uugnay sa kanya ng salitang “corruption” nang lumutang ang balitang kinuwestiyon ng Commission of Audit (COA) ang isang entry sa kanilang budget.
Ito’y kaugnay nga ng naging expenses nila sa pagkain noong Commissioner pa siya ng National Youth Commission. Nag-resign na si Ice bilang opisyal ng NYC saka lumantad ang balitang ‘yon.
“What the hell! Oh, my God!” bulalas ni Aiza nang ungkatin ang isyu sa media launch ng Pista Ng Pelikulang Pilipino 2 kahapon na project ng Film Development Council of the Philippines na pinamumunuan ng partner niyang si Liza Diño.
“May nagtatanong nga sa akin, ‘Are you gonna sue? Nawalan ba ka ba ng tulog?’ Hindi naman kasi alam kong malinis ako. Alam kong all the time na when I was in that agency, I did my best and we made sure na maayos lahat ng paper works.
“Yes, may mga tanong ang COA and that is normal. Ask all agencies. May tanong at mga tanong, ang importante, nasagot at na-justify at tinanggap ng COA ang justification.
“So doon lang ako natatawa, kasi the write up was malicious in the sense na inilabas nila ‘yung observation ng COA pero hindi nila inilabas ang justification namin. Bakit ganoon, di ba?” dagdag na rason ni Aiza.
Tapos na raw ang issue dahil naglabas na ng statement ang NYC, “Kasi for the longest time, ang National Youth Commission, may award ‘yan for excellent account and sa auditing. Talagang maayos.
Kaya nga natawa kami dahil may mga ganitong half truths,” katwiran pa niya.
Ipinagdiinan ni Ice na wala siyang balak pumasok sa politika. Kung black propaganda man ‘yon eh, hindi rin niya alam, “Diyos ko, lumabas na nga ako, papasok ba ako ulit? Personal ang rason kaya ako nag-resign. Hindi masama ang loob ko sa nangyari. It’s not even true so why would I let that affect me?” aniya pa.
Samantala, magaganap ang grand launch ng Pista Ng Pelikulang Pilipino sa July 5 kung saan ia-announce ang official finalists. Sa June 15 naman ang deadline ng submission ng entry.
Pamamahalaan ni Ice ang short films category na ilalahok sa Sine Kabataan at mapapanood sa Aug. 15-21, 2018.