Bagay sa kurso (2)

Sulat mula  kay Nenita
ng Barangay Dumagoc, Pagadian City
Dear Sir Greenfield,
1. Dalawang taon na po akong graduate sa kursong BSEEd pero hanggang ngayon wala pa rin akong maayos at magandang trabaho. Maraming opisina na ang inaplayan ko pero hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatawagan. Kaya na-obliga tuloy akong mag-trabaho sa kung saan-saan na hindi bagay sa kurso ko,  pero ang masakit laging contractual lang ang napapasukan ko. Kailan kaya ako makahahanap ng matinong trabaho na mare-regular ako?
2. Gustung-gusto ko na kasing magkaroon ng matino at magandang trabaho, na angkop sa aking pinag-aralan.  Nahihiya na ako sa mga magulang ko na hingi ako nang hingi ng pera, hindi ko man lang sila nabibigyan ng suweldo. May 23, 1990 ang birthday ko.  Wala pa rin akong boyfriend, kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasaw?
Nenita ng Barangay Dumagoc, Pagadian City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus  (Illustration 2.) ay nagsasabing angkop na angkop naman sa zodiac sign mo ang kurso mo, kung saan, ang mga Taurus ay tipikal at pangkaraniwan ng nagtatagumpay sa mga career na may kaugnayan sa pagtuturo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing may malaking suwerte sa taon ito  hanggang 2014, sa tulong ng lalaking isinilang sa petsang 7. Sa sandaling may dumating sa buhay mo na lalaking isinilang sa petsang 7, siya ang mala-superman na tutulong sa iyong career at magiging boyfriend mo upang tuluy-tuloy ka nang umunlad at liligaya  habambuhay.
Luscher Color Test:
Upang madali kang makapasok sa regular na trabahong related sa course mo, tuwing mag-aaplay magsuot ka ng kulay na red at dilaw. Sa ganyang kulay, susuwertehin ka na at tuloy-tuloy ng gaganda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala
Nenita, ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat mainip, dahil sa last quarter ng taon ito, ganap na gaganda ang iyong kapalaran, lalo na sa career. Tulad ng nasabi na, isang lalaking isinilang sa petsang 7 na may zodiac sign na Virgo ang tutulong sa iyo, upang mapasok ka sa isang malaking kompanya na may kaugnayan sa pagkain. Sa nasabing kumpanya na may kulay red na logo, mareregular ka at tuluy-tuloy na aasenso, hanggang sa bandang huli, yon lalaking tumulong sa iyo upang magkaroon ka ng regular na trabaho na may initial na R.A. ang siya mo naring maging boyfriend at tuluyang makasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Read more...