Idinagdag ni LTFRB Board Member Aileen Lizada na layunin nito na matulungan ang mga operator na matukoy ang mga abusadong driver.
“At least now, kung mayrooong mga pasaway na taxi drivers, pwede na yung mga taxi operators mag-blacklist ng mga taxi drivers, na hindi na nila iha-hire kung mababa ang rating otherwise apektado yung kanilang business,” sabi ni Lizada.
“Actually, ‘yon ang hinaing ng mga taxi operators kasi kung discourteous ang driver, ang tinatamaan po ng penalty ay ang operators,” dagdag ni Lizada.
Bukod sa transport giant na Grab, kabilang sa mga bagong TNC ay ang Hirna, Hype at Micab kung saan gagamitin nito ang mga taxi na may franchize ang gagamitin.
Idinagdag ni Lizada na gagamit ang Hirna at Micab ng mga taxi, samantalang mga pribadong sasakyan naman ang gagamitin ng Hype.
Samantala, gagamit naman ang ibang TNC, kagaya ng Owto at GoLag ng pribadong mga sasakyan.
“What government must ensure ay dalawa po: direct competition among TNCs and consumer protection. It’s good to have competition, meron po silang (riders) mga choices kung saan ang kaya ng budget nila,” ayon pa kay Lizada.