LJ Reyes may plano rin bang layasan ang GMA?


HANGAD ni LJ Reyes na si Paolo Contis na ang huling lalaki sa buhay niya. Pero ayaw muna niyang pa-pressure sa mga tanong kung kailan sila pakakasal ng boyfriend.

“Coming from a failed relationship, ayokong madaliin. Pinag-iisipang mabuti ‘yan lalo na’t kinu-consider ko rin ang anak kong si Aki.

“Although close na rin sila ni Paolo, huwag nating madaliin ‘yung proseso,” rason ni LJ na kabilang sa cast ng bagong GMA primetime series na The Cure.

Napag-uusapan naman daw nila ni Paolo ang kasal pati na ang tungkol sa future nila pero marami pa raw silang gustong gawin sa kani-kanilang mga career and personal lives.

“Hindi ka naman papasok sa isang relasyon kung sa tingin mo eh hindi kayo align sa future, di ba?” sey pa niya.

Kung ang kasabayan sa Startruck noon na si Ryza Cenon ay nasa kabilang network na, siya ba ay naiisip ding layasan ang GMA?

“For renewal ang contract ko kaya walang dahilan para magpunta ako sa ibang network,” diin ni LJ.

Read more...