Kobe Paras kay Jackie Forster: I love you, Ma!

WALANG katapusan ang pagpapasalamat ni Jackie Forster sa lahat ng kanyang followers sa social media na nagdasal para muli niyang makapiling ang mga anak na sina Kobe at Andre Paras.

At siguradong nag-uumapaw ang kaligayahan sa puso ng dating aktres dahil sa unconditional love na ibinibigay sa kanya ngayon ng mga anak kay Benjie Paras.

Kahapon, maraming na-touch sa Instagram post ni Kobe – ito ‘yung litrato nila ni Jackie together na may caption na: “I LOVE YOU, MA.”

Marami ang nagkomento na kamukha pala ni Kobe ang kanyang mommy kaya ang sagot niya sa mga netizen, “I got it from my momma.”

Nag-post din ng throwback photo ang binata kung saan makikita na yakap-yakap niya ang ina noong bata pa siya, may caption ito na: “Momma ain’t raise no hoe.”

Nitong nakaraang weekend, nabasa ng madlang pipol ang madamdaming IG post ni Jackie na makalipas nga ang halos 12 taon ay muli silang nagkita-kitang mag-iina.

Read more...