NO sweat in guessing: Mala-duet pero mas nangingibabaw ang depensa ng misis kesa sa kanyang mister na napaulat na sangkot umano sa katiwalian nu’ng pinamumunuan pa nito ang isang tanggapan.
Aabot kasi sa mahigit quarter of a million pesos ang umano’y nakadeklarang ibinayad lamang sa meals sa tuwing magdaraos ng meeting ang husband with his staff, ayon sa isang online news.
Binansagang peke ng mister ang ulat, even calling the news portal selective in its reporting. Minsan nang napag-initan ang source ng balitang ‘yon ng isang ahensiyang pangalawang pinamumunuan ng isang dating taga-showbiz.
Back to the couple. Depensa ng misis, beyond question daw ang integridad ng kanyang asawa. In fact, during the latter’s term, he had more dole-outs (read: abono) than what he actually received from his appointive post.
Bigla tuloy gumuhit sa aming alaala ang kuwentong nagpasalin-salin na from one showbiz mouth to another nang minsang kontakin ng isang promoter ang mister to do a song or two.
Asked how much his talent fee was, sagot ng mister sa promoter na hindi naman ibang tao sa kanya, “Two hundred thousand pesos…take it or leave it.”
The promoter left it.