MAY apat na yuglo lamang ang 2018 Le Tour de Filipinas (LTdF) na magsisimula sa Mayo 20 pero inaasahang magiging hitik pa rin ito sa aksiyon tampok ang 85 siklista mula sa 17 kasaling koponan.
Sisikad sa apat na rehiyon, pitong probinsiya, 10 siyudad at 50 munisipalidad simula Mayo 20 hanggang 23 ang karerang ito na inorganisa ng Ube Media Inc. at co-presented ng Air21, Cignal at Hyper Channel.
Sisimulan ang ikasiyam na edisyon ng Le Tour sa Quezon City Memorial Circle sa Mayo 20 at dadalhin ang mga siklista sa finish line sa kapitolyo ng Palayan City, Nueva Ecija.
Ang Stage 2 sa Mayo 21 ay magmulula sa Cabanatuan City papuntang Bayombong, Nueva Vizcaya kung saan dadaan ang mga siklista sa Balete Summit o mas popular bilang Dalton Pass.
Ang Stage 3 sa Mayo 22 ay masisimula sa Bambang at magtatapos sa Provincial Capitol ng Lingayen, Pangasinan.
Ang madugong huling yugto sa Mayo 23 ay may distansiyang 154.65 kilometro. Mag-uumpisa ito sa Pangasinan Provincial Capitol at aakyat sa Rosario at Tuba sa La Union patungo sa Kennon Road. Ito ay maagtatapos sa Burnham Park sa Baguio City.
“The Le Tour de Filipinas is not only about our sport of cycling, but about raising awareness about the sport over as much scope as possible,” sabi ni Donna Lina, UBE Media Inc. president at race organizer. “And we thank the local government units for their warmth and enthusiasm toward the race.” —Angelito Oredo
17 koponan magtutuos sa Le Tour de Filipinas
READ NEXT
The Vine and the Branches
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...