Vice Ganda awang-awa sa mga hater: Tigilan na, may dulot na malas ‘yan!

VICE GANDA

AWANG-AWA ang Unkabogable Star na Vice Ganda sa mga bashers na walang ginawa kundi ang mangharas at mambastos sa social media.

Hindi raw talaga maintindihan ng TV host-comedian kung bakit may mga taong mas pinaiiral ang kanegahan kesa magpaka-positive sa buhay.

Hindi mapagpatol si Vice sa mga netizens na namba-bash sa kanya at sa iba pang celebrities na wala namang ginagawang masama, ngunit may mga pagkakataon na nauubos din ang pasensiya ng It’s Showtime host.

Kahapon ay nabasa namin ang tweet ni Vice para sa lahat ng haters at bashers, at umaasa siya na sana’y matutunan ng mga taong ito ang pagiging positive sa halip na puro paninira ang ginagawa.

Aniya, “Sobrang nakakaawa yung mga haters. Kasi habang hine-hate nyo ung mga tao lalo silang pinagpapala. At habang pinagpapala sila lalo kayong nagagalit. Kaya itigil nyo yang hate nyo sa kanila. May dulot sa inyong malas yan.”

Read more...