“KEEP walking, i’ll always be beside you. No matter what. I love you my love. And I miss you.”
That’s Matteo Guidicelli’s words of encouragement for his girlfriend Sarah Geronimo who became emotional during a concert in the US.
Sarah in between sobs, said, “I’ve been asking myself, ‘bakit I feel empty?’ Hindi ‘yung successful na shows or mga hits ang makakapagpakumpleto sa ‘yo, ang makakapagpasaya sa ‘yo bilang tao, kundi yung tunay na pagmamahal na hindi nagbabago — perpekto ka man o hindi.”
She mentioned the name of King of Pop Michael Jackson in her speech.
“Eto na po pala yun. It hit me. ‘Yung mga napapanood ko po sa videos ni MJ (Michael Jackson). ‘Yung sigawan at kantahan ng mga tao. Minsan may naluluha pa, gusto ka mahawakan lang. Grabe po.
“I realized na hindi po pala ako handa du’n. Ginusto ko pong maibahagi yung talento ko, pero hindi po pala ako handa du’n sa mga kasama ng hiningi ko. Lalo na po ‘yung pressure to always do good, maging role model ka, maging perpekto ka. Mahirap po.”
Sa isang video, kinanta ni Sarah ang winning piece niya sa contest na nag-discover sa kanya, ang “Forever Is Not Enough”. Halatang hirap na si Sarah na ma-reach ang high notes as there were part na hindi na niya nakanta talaga.
In exasperation, she left the stage without finishing the song.
“Hindi ka man swerte sa pamilya mo swerte ka naman kay Matteo nanjan sya sa tabi mo dapat magbuo na kau ni Matteo ng pamilya para magkaroon ka na ng sarili mong family na magmamahal sau ng buong buo na kahit ano pa ang mangyari nanjan lang sila sa tabi mo,” said one fan.
“D kasi supportive ang parents niya sa love life ni Sarah. Dapat nga masaya rin sila dahil masaya si Sarah ke Matteo,” said another fan.