Chinese national arestado matapos bugbugin ang isang waitress sa Parañaque

INARESTO ng mga otoridad ang isang Chinese national matapos na bugbugin ang isang Pinay waitress dahil sa pagkain ng isang pirasong chicharon sa isang restaurant sa Parañaque City.

Sa isang police report ng Southern Police District, sinabi nito na inaresto si Wang Yongbin, 27, matapos saktan ang 32-anyos na biktimang si Rutchel Taer.

Ayon sa pulisya, nakita ni Yongbin, na isang stay-in chef sa Reyes Eatery, si Taer na kumuha ng isang pirasong chicharon sa mesa, dahilan para suntukin niya ito sa likod at padapain sa sahig.

Patuloy ang pananakit ni Yongbin kay Taer nang mapansin ng mga empleyado ang nangyayari at ni-rescue ang biktima.

Agad na nagsumbong si Taer sa kanilang employer, na humingi naman ng tulong sa Police Community Precinct 2 ng Parañaque City police.

Nahaharap si Yongbin sa kasong slight physical injury sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

Read more...