Tinatayang 23.9 porsyento o 10.9 milyong Filipino adult ang nagsabi na wala silang trabaho, mas mataas sa 15.7 porsyento (7.2 milyon) sa survey noong Disyembre.
Sa mga walang trabaho, apat na porsyento ang hindi pa nararanasang magtrabaho kahit minsan pero naghahanap ng mapapasukan, 13 porsyento ang boluntaryong umalis sa pinapasukan, dalawang porsyento ang nagsara ang pinapasukan, apat na porsyento ang hindi na na-renew ang kontrata at dalawang porsyento ang inalis sa trabaho.
Nabawasan din ang mga umaasa na darami ang mapapasukang trabaho sa susunod na 12 buwan. Naitala ito sa 37 porsyento mas mababa sa 41 porsyento sa survey noong Disyembre.
Ginawa ang survey mula Marso 23-27 at kinuha anf opinyon ng 1,200 respondent. Mayroon itong error of margin na plus/minus 3.