Bossing mas lalong bumata ang itsura; Pauleen magaling mag-alaga ng asawa


IDINAOS sa Siargao Island ang selebrasyon ng birthday ni Vic Sotto nitong nakaraang April 27 kung hindi kami nagkakamali. Kahit senior citizen na si Bossing, batambata pa rin ang kanyang hitsura, huh!

Sabi nga ng Dabarkads at mga netizens, magaling talagang mag-alaga ang kanyang misis na si Pauleen Luna-Sotto.

Punong-abala siyempre si Mrs. Sotto sa paandar na birthday party ng asawa. Hindi lang kasi ang anak nilang si Baby Thali ang kasama sa isla kundi pati mga ilang anak na babae ni Vic.

“7 birthdays together and I’m so grateful for each one! Thank you Lord for giving my husband another healthy year! I couldn’t ask for a better partner in life. I love you @mzet280. Happy birthday!

“To the man who makes me the happiest, happy birthday! You are deeply loved,” magkasunod na caption ni Poleng sa mga litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account.

Ka-join din sa Siargao escapade ng mag-asawa sina Danica Sotto, Kristine Hermosa at Paulina.

Absent ang anak ni Vic kay Coney Reyes na si Vico dahil nasa Des Moines, Iowa ito base na rin sa kanyang mga IG foto. Pakuwela ang litratong kanyang ipinost dahil kinopya ang isang picture ng ama na nakatatak sa suot niyang t-shirt.

“Happy birthday, Papa! Grew my hair for this post, blonde pala ako (Missing his birthday trip because I’m in @DesMoines to work with Iowa Public Information Board, fine-tuning my proposal to make our local government more transparent),” saad ni Vico.

Pinaghahandaan na rin kasi si Vico Sotto ang pagpasok sa pulitika next year.

Read more...