May 2 katangian si Korina Sanchez na wala kay Kris Aquino

KRIS AQUINO AT KORINA SANCHEZ

ASO lang ang ipinangsagot ng magaling na news anchor na si Korina Sanchez sa naging patutsada sa kanya ni Kris Aquino na hindi kasi niya naramdaman ang pagiging ina dahil wala naman siyang anak.

Tumatalab sa kalamnan ang sinabi ni Kris, pinakamataas na antas ng pananakit ‘yun sa isang babae, sobrang naging taklesa ang aktres-TV host sa kanyang mga sinabi bilang pangmemenos sa pagkababae ni Ate Koring.

Pero napaka-cool ni Korina. Ni hindi niya sinasagot nang direkta ang mga patambis sa kanya ni Kris, puring-puri ng ating mga kababayan ang ginagawang pananahimik lang ng misis ni Mar Roxas.

Sa halip na sagutin si Kris ay nag-post si Korina ng retrato habang inaalagaan-nilalaro niya ang kanilang mga aso. Babies ang tawag ng palabang news anchor sa kanilang mga alagang aso.

Nakakatawa ang komento ng kaibigan naming propesor, “Ano ba ‘yun? Aso lang ang katapat ni Kris? Kunsabagay, may loyalty nga naman ang aso, marunong magpahalaga sa mga kamay na nagpapala sa kanila.

“Saka dati nang mahilig sa pag-aalaga ng mga aso si Korina, salitan ‘yun, saka ang pagkahilig niya sa paghahalaman. Dalawang qualities ‘yun na meron si Korina na wala si Kris,” obserbasyon ni prop.

Read more...