ANG spiral pole dancer na si Kristel de Catalina ang nag-uwi ng P2 million matapos tanghaling grand winner sa katatapos lang na Pilipinas Got Talent Season 6 The Greatest Showdown na ginanap sa Bren Z. Guiao Convention Center, San Fernando, Pampanga kamakalawa.
Nakakuha si Kristel ng average score na 99.67 percent mula sa mga boto ng madlang pipol at mga judges na sina Angel Locsin, Robin Padilla at Vice Ganda.
Sa kanyang grand finals performance, muling pinanganga ng nagwaging single mother ang audience at ang mga hurado sa kanyang buwis-buhay na spiral pole dance routine (with Celine Dion’s All By Myself).
“Maraming salamat po sa inyong lahat…anak, para sa ‘yo ‘to. Thank you sa inyong lahat na bumoto at nagtiwala sa akin,” ani Kristel.