Namgoong Min, Hwang Jung Eum pakilig sa ‘The Undatables’


MAPAPANOOD na ngayong darating na Mayo 12 ang bagong drama series ng Korean actor na si Lee Joon Gi na Lawless Lawyer, kasama ang aktres na si Seo Ye Ji.

Unang napanood sa GMA 7 ang isa sa mga hit K-drama ni Joon Gi na Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo kung saan nakasama naman niya ang aktres na si IU.

Mga abogado ang role nina Joon Gi at Ye Ji sa Lawless Lawyer.

Iikot ang kuwento nito sa isang matagumpay na abogado, na dating miyembro ng gang at nais ipaghiganti ang kanyang pinakamamahal na ina.

q q q

Magtatambal naman ang mga sikat na Korean celebrities na sina Namgoong Min at Hwang Jung Eum sa isa pang K-drama na The Undatables na magsisimula nang mapanood sa Korea sa Mayo 23.

Nakilala nang husto si Jung Eum sa Korean series na Kill Me, Heal Me, kung saan nakasama niya ang aktor na si Ji Sung.

Isang romance drama ang The Undatables na tungkol sa buhay ni Hoon Nam (Min), isang eksperto sa mga relasyon ngunit ayaw ma-in love, at ni Jung Eum (Jung Eum), na nangangarap namang na makatagpo ng tunay na pag-ibig.

Read more...