Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino apat na ahensya ang nag-validate ng mga pangalan na kanilang inilabas at inihahanda na umano ang pagsasampa ng kasong kriminal sa mga ito sa loob ng isa o dalawang linggo.
Ang mga nasa listahan ay mga user, pusher at mga drug protector.
Kasama sa listahan ang 90 kapitan at 117 miyembro ng barangay council mula sa Bicol, Cordillera Administrative Region at Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Noong una ay 293 ang nasa listahan ng PDEA subalit 86 sa mga ito ay naaresto na, namatay na o pinatay.
Sinabi ni Aquino na mayroon din silang bukod na listahan ng 93 gubernador at mayor na sangkot sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.
Itinanggi naman ni Aquino na hindi gagamitin ang listahan bilang hit list o para sirain ang mga ito sa publiko.
MOST READ
LATEST STORIES