MULA Abril 24 hanggang ngayong araw, Abril 30 ay World Immunization Week na itinakda ng World Health Organization. Ito ay para makapagbigay ng kaalaman hinggil sa kahalagahan ng immunization sa isang indibidwal at para maging sa global health.
Narito ang ilang facts and figures hinggil sa immunization at ang importansiya nito:
- Nilalabanan ng immunization ang sakit, disability at pagkamatay ng tao mula sa lahat ng vaccine-preventable diseases gaya ng cervical cancer, diphtheria, hepatitis B, measles, mumps, pertussis (whooping cough), pneumonia, polio, rotavirus diarrhea, rubella at tetanus.
- Ang vaccination ay isa sa pinakamabisa at cost-effective public health interventions; at napigilan nito ang pagkamatay ng dalawa hanggang tatlong milyon katao kada taon.
- Lahat ng vaccine ay matinding pinag-aralan bago aprubahan para magamit; regular din itong nire-reassess at minomonitor ang posibleng side effects
- Mainam na immunity ito mula sa natural infections.
- Ayon sa pag-aaral, walang negatibong epekto sa sanggol o sa bata kung sabay-sabay ang pagbibigay sa kanya ng vaccine Kalimitan, mas nakatitipid, at di pa masakit ang sabayang pagbibigay ng vaccine sa bata.
- Mas maraming bata na ang binibigyan ng vaccine habang lumilipas ang panahon. Noong 2016, may 116.5 milyon bata sa buong mundo ang nakatanggap ng tatlong doses ng diphtheria-tetanus-pertussis vaccine (DTP3), na magbibigay sa kanila ng proteksyon mula sa infectious di-seases na nagdudulot ng serious illness, disability at maging kamatayan.
- Nakakatulong ang vaccine para limitahan ang paglaganap ng antibiotic resistance, na ayon sa WHO ay siyang pinakamalaking threat sa pandaigdigang kalusugan.
- Dahil din sa vaccine kung bakit bumaba ng 99 porsiyento ang kaso ng polio simula noong 1988; habang napatigil halos ang kaso ng meningitis sa 26 African countries; bumaba rin ng 84 porsiyento ang kaso ng mga namatay dahil sa tigdas noong 2000 hanggang 2016.
MOST READ
LATEST STORIES