Kristine walang kupas ang kagandahan; Liza tunay na dyosa


NAGHARAP  na sina Liza Soberano and Kristine Hermosa sa Bagani.

Liza plays Ganda while Kristine plays Malaya. Sa episode, i-niligtas ni Malaya si Ganda mula sa kambal na sina Toto and Tata (Fourth and Fifth Solomon) na nagpakilalang sina Kambal Kurimaw.

Kukunin nila ang kagandahan ni Ganda pero nabigo sila dahil sa pangingialam ni Malaya na siyang nagligtas kay Ganda. Para hindi na mapahamak pa, inalok ni Malaya na sumama sa kanya si Ganda.

Billed “Ganda Sa Ganda,” effective ang paghaharap ng dalawa dahil ang daming nag-react. Wala silang itulak-kabigin dahil parehong ethereally beautiful sina Kristine at Liza.

Kahit may mga anak na ay napanatili ni Kristine ang kanyang beautiful face. Bakas sa kanyang mukha ang happiness sa kanyang buhay may-asawa.

Fresh na fresh naman si Liza na isa sa pinakamaganda sa mga female celebrities today.

“Super ganda nlng 2….werpa tlga ang abs at bagani.”

“Wow ang dalawang maganda magkaharap.”

“Ang pagiging simpli ng isang babae ang dahilan kung bakit siya maganda. simpli lang ang mukha ni kristine kaya siya maganda. mas simpli mas maganda.”

“Ang ganda ni Kristine parang dalaga parin. Walang kupas mula noon hanggang ngayon.”

Read more...