PARANG ngayon pa lang ay nahuhulaan na ng mas nakararami kung ano ang susunod na pangyayari sa pagtatambal nina JM de Guzman at Barbie Imperial sa seryeng Araw Gabi na magsisimula na ngayong hapon sa ABS-CBN.
Sabi ng isang kaibigan namin, “Di ba, bastos ang bibig ng boyfriend ni Barbie? Di ba, sobrang angas ni Paul Salas? Hindi kaya isang araw, e, si JM na ang away-awayin niya dahil sa pagseselos?
“Hindi maganda ang tabas ng dila ng lalaking ‘yun na wala pa namang napatutunayan. Imagine, napakalakas ng loob niyang murahin ang isang reporter na wala namang masamang intention sa pagtatanong kay Barbie?
“Naku, huwag na huwag niyang aawayin si JM, maraming uupak sa Paul Salas na ‘yun, saka hindi siya uurungan ni JM! Sign of insecurity ang mga ipinakikitang kaangasan ng hambog na lalaking ‘yun!” madiing komento ng aming kaibigan.
Mismo! Kailangang turuan ng kagandahang-asal si Paul Salas. Kalalaking tao niya pero ang kanyang dila ay parang masahol pa sa babae, putak siya nang putak sa social media, malabiga!
Magpakita muna siya ng resibo na may napatunayan na siya para ibigay ng publiko sa kanya ang karapatang makapagyabang.