Rigodon ng kaluluwa sa Kambal, Karibal pak na pak sa mga Pinoy


HINDI na talaga mapigilan ang buong cast at production ng Kambal, Karibal dahil kahit saan ka magpunta—sa social media man o kahit sa mga tindahan, ang kwento ng GMA Primetime series ang pinagtsitsismisan.

Patuloy din ang pag-ariba nito sa ratings game kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng buong cast at produksyon sa mga Kapuso viewers at sa mga netizens na nagpapa-trending sa serye gabi-gabi.

Sa katunayan, nakakatuwa ang viral post na kamakailan lang ay nag-trending sa Facebook at Twitter kung saan isang avid viewer ang nag-send ng mensahe sa bawat cast member ng show tulad nina Bianca Umali, Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix.

Sa bawat mensahe ay nagpapahatid siya ng nararamdaman niya patungkol sa karakter nila sa programa kaya pak na pak!

Samantala, patuloy na nagbubulag-bulagan si Geraldine (Carmina Villaroel) sa katotohanan na nasa katawan na ni Crisan si Crisel (Pauline Mendoza) at si Crisan (Bianca) naman ay nasa katawan ni Cheska (Kyline).

Sa patuloy kasing awayan ng dalawa, si Crisel pa rin ang kinakampihan nito. Pero kailan nga kaya matatanggap nina Geraldine at Allan (Alfred Vargas) ang katotohanan? Yan ang dapat abangan sa pagpapatuloy ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.

Read more...