NANG-AGAW ng atensiyon ang isang kilalang female personality habang walang kahiya-hiyang nagpo-pose nang nagpo-pose sa isang mataong lugar. Hitsura siya ng modelong rampa nang rampa nang wagas habang nagtitinginan sa kanya ang mga dumadaan.
Nangyari ‘yun sa isang maingay, mausok at dinadayong lugar, sa isang sikat na casino, kagagaling lang nu’n ng female personality sa panonood ng isang palabas sa mismong teatro ng casino.
Kuwento ng aming source, “Akala ko naman, e, may shooting sa venue! Wala namang mga ilaw at camera. Ang nandu’n lang, e, si ____ (pangalan ng female personality) at ang mister niya na kuha nang kuha ng mga pictures niya!
“Nakakaloka siya! Magpapa-picture siya sa harapan ng isang branded shop, pose siya nang pose na akala mo siya iko-cover sa isang magazine, wala siyang hiya!
“Nagtitinginan na sa kanya ang mga dumadaan, pero sige pa rin siya sa kapo-pose na parang wala nang bukas! Shot naman nang shot ang mister niya, may sariling mundo ang mag-asawa!
“Pagkatapos niya sa isang branded shop, lipat na naman siya sa katabi, ganu’n na naman ang mga kadramahan niya, pose siya nang pose na akala mo siya ang owner ng shop!
“Wala siyang pakialam sa paligid niya, kendeng siya nang kendeng, emote nang emote! Ganu’n pala ang babaeng ‘yun!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
Hindi na ‘yun kataka-taka dahil nu’ng minsang dumayo siya sa isang kilalang resort ay ganu’n din ang kanyang ginawa sa dalampasigan. Wala rin siyang pakialam na nag-pose nang nag-pose habang naka-two-piece bikini.
“Rumampa siya nang rumampa, enjoy na enjoy siya sa parang pagmomodelo sa seashore. Siya ang pinagtitinginan ng mga nandu’n, pero emote pa rin kung emote ang hitad!
“Napakahilig niyang mag-selfie, super-hilig din siyang pinagtitinginan ng mga utaw, talagang hindi mo siya mababaklas sa pagrampa.
“Pero mas maganda siguro kung habang rumarampa siya, nagra-rap siya! Bagay na bagay sa kanya ang pagra-rap habang emote nang emote, tutal naman, e, kapangalan niya ang isang beauty queen!” humahalakhak na kuweno pa ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na!