JM walang malisya kay Angelica: Tropa-tropa kami!

ANGELICA PANGANIBAN AT JM DE GUZMAN

NILINAW  ni JM de Guzman ang lumabas na chika tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban matapos kumalat ang litrato nila na akmang maghahalikan.
Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, sinabi ni JM na mukhang imposible sa ngayon na magkaroon ng malisya ang friendship nila ni Angelica na naging kabarkada niya after nilang gawin ang “That Thing Called Tadhana”.

“Magtropa po kami ni Angelica. Kulitan lang po namin iyong mga ganyan,” sey ni JM. Isa si Angelica sa mga kaibigang kinapitan niya habang nagpapa-rehab.

“Iyong mga mali ko talaga dati, sinasampal nila sa mukha ko. I’m really thankful for that,” ani JM na muling mapapanood sa afternoon series ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi.

 

Read more...