DLSU Lady Spikers sisimulan ang title duel vs FEU Lady Tamaraws | Bandera

DLSU Lady Spikers sisimulan ang title duel vs FEU Lady Tamaraws

Angelito Oredo - April 28, 2018 - 12:09 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4 p.m. DLSU vs FEU

MATINDING hatawan ang inaasahang magaganap sa kapwa bitbit ang malalim na hangarin at matinding motibasyon na nagtatanggol na kampeong De La Salle University at Far Eastern University sa kanilang sagupaan ngayong hapon para masungkit ang korona sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 80 women’s indoor volleyball tournament.

Labis na paboritong makapag-uwi sa titulo ang nagnanais na magtala ng grand slam na DLSU Lady Spikers habang pilit na gagawa ng upset ang may inaasam din makamit sa edisyong ito na FEU Lady Tamaraws sa Game 1 ng kanilang best-of-3 Finals showdown ngayong alas-4 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Magpapaluan ang Taft-based volleybelles at mga balibolistang taga-Morayta para masungkit ang pangunahing laro na maglalapit dito sa pinakaaasam na titulo.

Isasagawa ang Game Two sa Miyerkules, Mayo 2, sa nasabi ring playing venue at kung may Game 3 ay gaganapin din sa katulad na oras sa Sabado, Mayo 5.

“We want to give them (Season 78 Finals MVP Kim Kianna Dy, Season 79 MVP Mary Joy Baron at Dawn Nicole Macandili) the grandest exit,” sabi ni sophomore setter Michelle Monique Cobb. “So ‘yun ‘yung motivation namin as a team, to give them the best exit.”

Bukod sa three-peat title at graceful exit sa tatlong graduating player, nasa isipan din ng mga Lasalista na makuha ang ika-11 pangkalahatang titulo, pangatlong 3-peat crown at kabuuang ika-11 rin para kay coach Ramil de Jesus bukod sa maitala ang ikalawang panalo sa panlimang pakikipagtuos sa Lady Tamaraws sa finals.

Nakatuon naman ang league pioneer at 29-time champion FEU kahit may tatlong championships experience ang karibal at kulang sila sa karanasan na tuluyang maputol ang siyam na taong tagtuyot sa titulo at makaapat sa limang laban sa finals sa La Salle.

Hangad din ng FEU ang magandang pagtatapos sa anim na senyores nila sa pagtrangka nina Bernadeth Pons, Celine Elaiza Domingo at Toni Rose Basas, at ang unang korona kay coach George Pascua.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending