Maine mas enjoy rumampa sa sugod bahay ng Eat Bulaga kesa magbida sa teleserye


NAKAKANGARAG naman talagang gumawa ng teleserye lalo na kung hindi sanay ang isang artista sa magdamagang taping.

Naku, isa na riyan si Allan K na ayaw sumabak sa mahabaang taping kahit may offers siyang maging bahagi ng mga teleserye sa GMA.

Tanging sa Eat Bulaga Lenten drama lang siya napapanood dahil isang beses lang naman sa isang taon ito nangyayari. Hindi rin siya nakakahindi kapag ang programa ay pinagbibidahan ni Vic Sotto.

Eh, si Maine Mendoza, ayon na rin sa pahayag ng manager niyang si Rams David, mas gustong nasa kalye para sa Sugod Bahay ng Eat Bulaga kesa gumawa ng series. Naranasan na niyang sumabak sa paggawa ng teleserye gaya ng Destined To Be Yours nila ni Alden Richards.

Aba, hindi biro ‘yung may Eat Bulaga siya and then, susundan ito ng mahabaang taping. Take note na sa Quezon province pa siya dumadayo para sa taping nila noon ni Alden. Then, gigising nang maaga para lumarga naman sa EB.

Mas madali para kay Meng ang gumawa ng pelikula. Hindi araw-araw ang shooting nito at abutin man ng madaling-araw ang shooting, kaya niyang mag-adjust sa oras para sa EB.

Sa panig naman ni Alden, una siyang nasabak sa daily series. So, sanay na ‘yung katawan niya sa matagalang taping kahit abutin pa siya ng sikat ng araw.

Kaya huwag mag-alala ang fans ng AlDub. Gaya nang sinulat namin dito kahapon, tuloy na tuloy na ang second movie nila. Trusted persons ang nakausap namin tungkol dito at alam nila ang dapat na career moves para kina Alden at Meng.

Hindi minamadali ang paggawa ng isang pelikula lalo na sa mga bibidang gaya nina Alden at Maine na sobrang lawak ng following. Basta tandaan, patience is a virtue!

Read more...