B-day wish ni Kathryn kay DJ: Sana magawa na niya lahat ng mga plano niya ngayong 2018!


BONGGA ang 23rd birthday celebration ni Daniel Padilla last Thursday na dinaluhan ng kanyang pamilya at ng mga taong malalapit sa kanyang puso.

Ang kanyang inang si Karla Estrada ang nag-organize ng party. Siyempre present ang kanyang rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo, ang tatay niyang si Rommel Padilla at tiyuhing si Robin kasama ang asawa nitong si Mariel Rodriguez.

Naroon din sina Ruffa Gutierrez, Donita Rose, Melai Cantiveros, Meryll Soriano, Ian Veneracion, Ketchup Eusebio, Khalil Ramos, Dominic Roque at marami pang iba.

Narito ang birthday message ni Kathryn para kay Daniel, “My wish for DJ siguro, marami siyang gustong bagong gawin this year so sana magawa niya iyon. Nandito lang kami to support him, mahal na mahal siya ng mga taong nakapaligid sa kanya. Stay happy.”

Read more...