GOOD morning mam. Ako po si Jean Rose, taga GenSan po ako. Tanong ko lang po sana mam, nagpunta po kasi ako SSS dito sa Gensan. Nag-inquire po ako for scholarship. College student po ako ngayon. Dati po akong employee sa iba’t ibang company.
Sabi po nung babae dun sa SSS, kulang pa po raw ung remittance ko. Ask ko lang po mam kung ilang remittance po ba ang dapat na mabayaran para maka-aplay po ako ng scholarship ng SSS? Kaila-ngan ko po kasi. Hindi ko po kasi naintindihan yung sinasabi ng babae na nag-entertain sa akin. Please ma’am, help.
Jean Rose Cajutay
REPLY: Ito po ay bilang tugon sa katanungan ni Bb. Cajutay tungkol sa requirements para makakuha ng educational assistance loan mula sa SSS.
Ang mga qualifying condition para maka-avail ang isang miyembro ng educational assistance loan ay ang mga sumusunod:
Ang miyembro ay hindi pa dapat umaabot sa edad na 60;
Ang aktuwal na buwanang kita ng miyembro ay katumbas o mas mababa sa P25,000;
Mayroon na itong 36 buwanang hulog at dapat ay may anim na posted na hulog sa loob ng 12-buwan bago ang buwan ng pagpa-file ng aplikasyon; at
Dapat ay up-to-date sa pagbabayad ng ibang member loan sa SSS, kung mayroon.
Batay sa aming records, kulang pa sa 36 buwan ang hulog ni Bb. Cajutay kung kaya’t hindi pa siya maaaring maka-avail ng educational assistance loan ngayon.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan.
Sumasainyo,
May Rose
DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.