ABOT-tenga ang ngiti ng isang bagong presidential appointee na tila nagsasabing “I’m baaaccckkk”.
Ilang buwan kasi mula nang siya’y masibak bilang miyembro ng board ng isang Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) ay balik sa gobyerno ang bida sa ating kwento ngayong araw.
Ito ay sa kabila ng kanyang involvement sa ilang kaso ng katiwalian sa pamahalaan.
Pinakahuli rito ang tangka niyang pagkuha ng multi-million pesos budget mula sa dating GOCC na kanyang pinaglilingkuran.
Gusto niya itong gamitin bilang pondo sa kanilang “special operation” kuno na naglalayong pabanguhin ang administrasyon sa mga netizens.
Unang-una ay hindi na kailangan ang ganung kalaking budget dahil wala namang problema sa image ang administrasyong Duterte.
Pangalawa ay hindi dapat gamitin sa ibang proyekto ang budget na hindi naman tuwirang pag-aari ng pamahalaan.
Malinaw kasi ang motibo ni Sir lalo na ng kanyang kausapin ang ilang PR experts na gawin ang kanyang proyekto.
Iba ang magtatrabaho para sa kanya pero siya ang kukubra ng pondo dahil sa opisina nga naman nila huhugutin ang perang gagamitin dito.
Ngayong siya ay na-appoint sa isang sikat na kagawaran ay hindi malayong gumawa na naman ito ng pera kasama ang isang dating broadcast official ng nakalipas na administrasyon.
Kilala ang dalawang ito bilang “Batman and Robin” kaya kapag nakita ninyo silang magkasama sa departamento na ngayon ay busy sa Boracay ay dapat na imonitor na ninyo ang kanilang mga galaw dahil tiyak na magpupumilit naman silang gumawa ng pera gamit ang pangalan ng kasakukuyang administrasyon.
Ang opisyal na pula na naman ang hasang dahil nabigyan ng bago at fresh mandate sa pamahalaan ay si Mr. L…as in Lubluban.