Resbaker si Mar?

HINDI tayo mga amo kundi’y bahagi ng sangkinapal. Sa sandaling iniwalay ang sarili sa katotohanan at kumilos na nakapangyayari, simula na ng pagguho ng pundasyon ng buhay. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (1P 5:5-14; Slm 89:2-3, 6-7, 16-17; Mc 16:15-20) sa kapistahan ni San Marcos, manunulat.

Bagaman gumuho na ang buhay ng karamihan sa nakalipas na administrasyon dahil kinarma na sila, marami rin naman sa kasalukuyan ang nadurog nang dahil sa pagyayabang at katiwalian. Sinong mag-aakala na ang makapangyarihang mga ka-brod, ka-Beda ay sisibakin mismo ni Digong at makakasuhan pa ng pandarambong?

Gumuho na ang buhay ni Mar Roxas? Hindi pa. Ang maaagap ay pinatunog na ang tambol ng aviso na ito’y tatakbo sa Senado at magaling daw na tinig ng oposisyon.
Pero, may kinakalkal na basura sa kanya sa DOTC, na maaaring gawing ebidensiya sa pagsasampa ng kaso. Pasok Korina.

Gera droga ang bilin ni Duterte kay Albayalde, na bigo naman si De la Rosa. Bigo si Bato dahil di niya hinuli ang users/adik sa showbiz, ang mga tulak ng shabu, ecstasy, atbp. Meron ding mga taga-society pages na nasa droga, pero di ginalaw. Isa sa mga nagpopondo sa media para huwag isara ang Bora ay supplier ng droga.

Baka hindi umubra na panakot ang drug list sa mga kandidato sa barangay. Sa isang barangay sa North Caloocan, karamihan sa naging opisyal ay nasa droga o protektor ng droga. Matagal na silang ibinoboto ng taumbayan. Nakapagtataka na ang napatay sa drug war dito ay iilan lamang kumpara sa…

Kailangang palakasin ni Albayalde ang counter-intel. Mahirap ang trabaho ng counter-intel dahil mismong kabaro nila ang hahabulin. Pero, mas marami ang bugok na pulis na nabubunyag araw-araw kesa sa huli ng counter-intel.

Hindi katuwiran na naghihintay lang ang counter-intel ng reklamo para kumilos. Maganda kung gagawin ni Albayalde na highly professional force ang counter-intel.

Noong 1976, iniutos sa akin ng aking editor, si Kerima Polotan, na huwag salsalin ang istorya para maging page one, o banner. Hanggang ngayon, pagkalipas ng 42 taon, di ako nagsasalsal (journ lingua franca). Nang gawaran ng Pulitzer ang isa, marami ang bumati, nagpigil ako, hanggang ngayon. Marami siyang pinatay sa kanyang obra, na malayo sa katotohanan.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, Tibag, Baliwag, Bulacan): Bagaman nasa kanluran ng buhay, may ilan (sa grupong ito) ang umaming di pa rin nila batid ang kanilang “purpose in life.” Nakaririwasa sila sa buhay pero may kulang, na pinatunayan ng ilang kamalian. Maging ang sinasabing legacy pagkamatay ay di forever dahil ito’y kumukupas, nakalilimutan. Bakit mababagabag sa dinaanan gayung ang mahalaga ay ang patutunguhan?

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Ebanghelyo, Prenza 1, Marilao, Bulacan): Di pagkakasundo (madalas?) ng biyenan at manugang. Lumalala, humahantong sa tunggalian, hanggang sa nayuyugyog ang kabahayan.
Karaniwan, walang pinapanigan ang simbahan dahil di dapat maghusga. Simple ang simula: makinig. May tinatawag sa Ingles na “the art of listening.” Sa Ebanghelyo ni Mateo (11:15): Makinig ang may tenga.

PANALANGIN: Panginoon, tinawag Mo kami hindi para sa aming sarili kundi magpakumbaba at sumunod sa Iyo.

MULA sa bayan (0916-5401958): Puwede ba, Bandera, i-publish ninyo ang matinong senators na kandidato sa 2019? May nag-iikot na kasi dito at di namin alam kung sino ang ogag. …8533, Barangay 25, Gingoog City

Read more...