Vina napa-susmaryosep nang tanungin sa presscon tungkol kay JM De Guzman

VINA MORALES AT JM DE GUZMAN

NATAWA si Vina Morales when we asked her kung posible ba siyang ma-in-love sa mas bata sa kanya, “Oh, my God! Celestina ba ‘yan? Ha-hahaha!” Si Celestina ang karakter na gagampanan niya sa seryeng Araw-Gabi.

“Yung tulad ni JM? Ah, sandali, mahirap yatang sagutin ‘yan. Si Victor (Aliwalas) na lang, kasi siya ‘yung kaeksena ko sa Araw-Gabi.”

E, what if maging sila ni JM sa totoong buhay? “Ay! Susmaryosep! Parang hindi ko ma-imagine.”

Kung papipiliin siya, alin sa araw at gabi para sa kanya si JM? “Diyos ko, dapat sila ni Barbie diyan,” ani Vina.

Dugtong pa niya, “Ah, araw. Dahil, ano ba? Para lumiwanag uli ang paligid niya. Ayun na ‘yun.”

Makakasama rin sa Araw-Gabi sina Rita Avila, Ara Mina, Raymond Bagatsing, RK Bagatsing, Jane Oineza, Phoebe Walker, Paolo Angeles, Ysabel Ortega, Victor Silayan, Arlene Muhlach, Eric Nicolas at Joshua Colet, sa direksyon nina Theodore Boborol, Mylah Ajero Gaite at Don Cuaresma under ABS-CBN business unit head Ruel Bayani.

Read more...